Sa lamig ng hanging dala ng pasko,
Dama ko ang lungkot sa puso ko,
Kasama ng mga alaalang iniwan mo
Na hindi ko mabura sa isipan ko..
Sa tagal ng panahong lumayo ka
Tanging bakas ng kahapon ang natira,
Mga masasayang sandali na kasama ka
Nagdadala ng luha sa’king mga mata
Pa’no magiging masaya itong pasko
Kung nag-iisa ako at sugatan ang puso
Kahit magpanggap akong masaya
Alam mong ang lahat ay pawang maskara,
“Ayoko na!!!”
Gusto ko na makalaya,
Sa pagmamahal
Sa paghinhintay
At ang umasa…
Sa aking pag-iisa..
Muli kong ibabalik ang ating ala-ala.
At sisikapin kong maging masaya
Habang dinadaya ang katotohanang wala ka na.
“Mahal kita!”
Sapat na yon para kalimutan kita
Ang lahat ay mabubura
At ang panahon ay mag-iiba
Balang araw makakalimot din ako..
Dadamhin ko ang lungkot,
Habang malamig ang hangin
Para maihayag ko sa langit
Na ito’y ngayon lang, bukas matatapos din..
Dama ko ang lungkot sa puso ko,
Kasama ng mga alaalang iniwan mo
Na hindi ko mabura sa isipan ko..
Sa tagal ng panahong lumayo ka
Tanging bakas ng kahapon ang natira,
Mga masasayang sandali na kasama ka
Nagdadala ng luha sa’king mga mata
Pa’no magiging masaya itong pasko
Kung nag-iisa ako at sugatan ang puso
Kahit magpanggap akong masaya
Alam mong ang lahat ay pawang maskara,
“Ayoko na!!!”
Gusto ko na makalaya,
Sa pagmamahal
Sa paghinhintay
At ang umasa…
Sa aking pag-iisa..
Muli kong ibabalik ang ating ala-ala.
At sisikapin kong maging masaya
Habang dinadaya ang katotohanang wala ka na.
“Mahal kita!”
Sapat na yon para kalimutan kita
Ang lahat ay mabubura
At ang panahon ay mag-iiba
Balang araw makakalimot din ako..
Dadamhin ko ang lungkot,
Habang malamig ang hangin
Para maihayag ko sa langit
Na ito’y ngayon lang, bukas matatapos din..