masakit isipin, na sa kabila ng lahat ng ating pinagsamahan,
sa mga simpleng asaran at tampuhan, lagi tayo nagdadamayan,
ngunit bakit kailangang sa bandang huli, paalam ang katapusan...?
paano na ang lahat ng bagay na ating iniingatan?
ang mga sandaling lagi tayong nagtatawanan..
ang walang humpay mung banat ng kalokohan,
halos di matapos ang oras, sa haba ng kwentuhan,
napapawi ang pagod na ating pinagdaanan..
ang bawat sakit at luha, sayo ko binubuhos,
kahit minsan paulit-ulit nalang ang unos
lagi ka nandyan para sakin at sa iba,
pero di ko nakita ang tunay mong halaga....
kapag malungkot ako, nandyan ka para mang-inis
kahit minsan masakit, "sige lang, ikaw kasi!"
kapag wala ka para akong may sakit,..
di ako makangiti, lagi akong masungit...
ikaw ang nagturo sakin maging masaya,
binago mo ang takbo ng mundo ko sakanya
ang dati kong sarili hindi ko na makita,
"iba na ko..." salamat sayo ha!!"
alam kong hindi tama, ang nararamdaman ko.
batid kong, kaibigan lang ako para sayo...
pero hindi ko naman ito ginusto,
kaya....
Paano na?
Paano na nga ba tayo??
ayokong mawala ka, pero di naman pwedeng maging tayo
maaari bang manatili ka lang..bilang kaibigan ko..
at pag dumating ang araw na kaya ko na pakawalan ka..
iwan mo ko, pero wag mo kalimutan ang lahat pwede ba?
ps. para sa isang taong minahal ko, ngunit kaibigan lang ako sakanya..
salamat sa lahat, sa pag-intindi, at pagdamay,...
" pangako...magiging masaya ako..para sayo.."---vhyne
No comments:
Post a Comment