Friday, December 5, 2008

……DAHIL SAYO….

Naranasan ko magmahal,..
Masaktan,..
Lumaban,..
At muling bumangon..

dahil sayo…

nag-iba ang pananaw ko sa mundo
binuksan mo ang mga mata ko,
tinuruan mo akong magpahalaga sa lahat ng tao
at higit kong nakilala ang sarili ko..

dahil sayo…

marunong na ko ngumiti,
maging masaya sa lahat ng sandali,
na ang buhay natin ay maikli,
kaya ang nararamdaman ay hindi dapat ikubli..

dahil sayo…

naging maganda ang mundo,
walang problema at sakit ng ulo…
pakiramdam ko, ang lahat ay bago..
kung saan, ikaw at ako lang ang tao..

dahil sayo…

naniwala ako..
na ang lahat ng ito ay totoo..
pero bakit ganun,?” bakit nagkaganito?”…
bigla nalang dumilim ang ating mundo..

nasan ka na?

bakit bigla ka naglaho,?
pano na ang lahat ng ating pangako?
Tuluyan nalang ba lahat mag-lalaho…?

Bakit???

Sana sinabi mo nalang agad..
dahil paano na? saan ako mapapadpad?
kung ang mundong ito ay pawang mga pangarap,
na likha lamang ng isip kong naghahangad..

dahil sayo….

Para sayo….

Ang lahat ng ito……..


____fallenheart____

No comments: