Dalawampu't isang taon na ang nakakalipas, isang batang babae ang isinilang sa lugmok na hirap, salat sa materyal na bagay, at tanging sandigan lamang sa buhay ang magulang na nagsisikap, sa murang isipan, batid nya na ang lahat, ngunit tulad ng ibang bata, di lubos ang pang-unawa,..sa pagtahak sa daan tungo sa hinaharap, sayad sa lupa ang gapang upang sya'y makatapos, ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat, ito'y simula lamang ng panibagong landas....
nagsusumikap at patuloy na lumalaban, ang hirap ay di alintana, sapagkat sapat na ang pamilyang buo at matatag, walang unos ang makakatibag, sa batang lumaking matatag. ang dating kubong tahanan, lumaki na ng tuluyan, mga magulang nyang inaalipusta nagsumikap at pinatunayan na ang pagkukutya at walang magagawa...ang lahat ng nangtapak ngayo'y buong suyong nagmamakaawa...mga taong dati'y lubos kung sila'y isumpa!
alam ng Maykapal ang lahat ng ito, saksi Sya sa hirap na kanilang natamo. Ang batang ito ay ganap ng malaya, matapang, ngunit mapang-unawa, sa lahat ng kanilang nalampasan, ang ginhawa noong kanilang inaasam ay bukas palad na nakamtam sa tulong ng Maykapal...
walang bagyong makakapinsala, walang salitang makakababa, walang taong pwedeng mangutya, dahil buong puso kong pinagmamalaki na "Kung ano ang meron kami yun ay mula sa pawis nila, at Kung sino ako...yun ay dahil sa kanila...."
ito ay isang Pagkilala, Pagmamalaki at Pag-alala.. Pasasalamat sa magandang bukas, at sa patuloy na paggabay sa aming lahat, ako'y hindi na bata, -ako ang May-akda....
ang isinulat kung ito'y pagpapatunay lamang...
na buong puso kong pinagmamalaki sa lahat
ang aking mga Magulang....
Pa, Ma... Salamat sa lahat!...
hindi sa malaking bahay,
magarang sasakyan,
o mga materyal na bagay...
kundi sa walang katulad nyong "Pagmamahal.."
No comments:
Post a Comment