Monday, December 1, 2008

maghihintay ako..


malungkot mag-isa...
mahirap ang walang kasama,
masakit isipin,
na sa loob ng matagal na panahon
hinihintay padin kita, heto't ako...umaasa..

nakakapagod....
nasan ka na ba?
pagod na akong lumuha,
humiling na sana nandito ka..

bawat minuto, bawat oras... lagi kita hinahanap,
gusto ko makasama ka, pero bakit hindi kita makita...
kahit isigaw ko ng malakas ang lahat,....
alam kong bingi ang langit kahit tanaw nya ang aking paghihirap...

batid ko ang lahat ay nakatakda para sa atin,
bagamat ang lungkot ng mga sandaling pinapalipas natin..
kelan ko ba madarama na ako'y may halaga rin,
paano ba ang magmahal at ang mahalin din...??

nais ko lang naman, maranasan ang magmahal,
kung ito man ang mahalagang biyaya ng maykapal...
hindi ba ako nararapat, isa ba akong hangal..?
mali ba ang humingi ng totoong pagmamahal..???

alam kong darating ang panahong makikilala kita..
isang taong batid kong, bigay sakin ni AMA...
hindi ako susuko, at maglalaro sa iba....
pagkat alam kong nandyan ka.... para sa akin di ba..?

maghihintay ako...
pagod man ang puso,
lumuluha man ako..
hindi ako magsasawa..

hanggang sa dumating ka..

pangako........
maghihintay ako....

No comments: