Wednesday, June 2, 2010

PAYONG

etoh na. . .

Sa pagsisimula ng buwan ng hunyo, ramdam ko na ang lamig ng hangin, ang manaka-nakang patak ng ulan, ang pagsayaw ng mga dahon sa hardin at ang makukulay na payong ng taong dumaraan...

Tag-ulan naaaa!!!...

Ang sarap sa pakiramdam ng hangin, para kang hinihele para matulog... kumakanta ang mga ibon, at nanghahara ang mga palaka sa likod ng bahay namen, lumalagasgas ang tubig sa munti naming sapa, bumibisita ang mga gamu-gamo... at kumukutitap ang mga alitaptap... ang sayaaa!..

Pero bakit parang hindi naman...
Parang ang lungkot..
Parang may kulang...

Gusto kong maligo sa ulan (pero di pwde)
...gusto kong kumanta kasama ka.. (pero wla ka na)
...gusto kong sabay tayo sa payong ko.. (pero pa'no sya..)
...gusto kong madamang katabi kita.. (pero kayo na..)

. . . Naaalala ko, tag-ulan ng una tayong magkakilala, nag-aabang ako no'n ng masisilungang kakilala, nang bigla kang dumaan at inalok akong sumukob sayo. . . sa PAYONG mo... natatandaan mo pa ba???.....

~fallenheart~

No comments: