Monday, February 9, 2009

AnOnG GaGaWiN kO?!!


Sa di inaasahan panahon, muli syang dumating ng hindi ko namamalayan, nakapasok nalang sya bigla sa aking pintuan, at muling ginugulo ang aking isipan.."Tama na!"sigaw ng aking puso, “wag mo na sya hayaan muli kang saktan,..”..Ngunit bakit ganon? Di ko mapigilan ang aking nararamdaman ng siya’y aking masilayan, Halos 3 taon na ang lumipas. Ngayon, sa muli naming pagkikita, anong damdamin ang dapat kong madama? kung ang nakaraan ay balewala lamang sakanya, sapat ba na kalimutan ko ang lahat at maging masaya dahil muli kaming magkasama?

Madalas kami nag-aasaran, maraming beses kaming nagkakapikunan, sabay kaming tumatawa at lagi kaming nagbibiruan, mga bagay na sadyang kay hirap pigilan,.. Madalas ko syang pinapatawa, sa likod nito sya rin dahilan kung bakit ako masaya, pero kapwa kami nangangamba, kung tama ba o mali ang aming nadarama? Mahirap hulaan ang gusto ng tadhana, walang may-alam sa mga mangyayari sa hinaharap, sino ba tayo..para maghangad ng hindi nararapat,..sa huli, kapag tayo lang ang nagpumilit mas masakit lamang ang kapalit.. kaya mabuti pang sakyan natin ang daloy ng buhay, dahil sa bawat landas na tinatahak natin.. alam kong lahat may katapusan.

Kung ito man ay may kahihinatnan, umaasa akong hindi na ako ang muling luluha, dahil pagod na kong masaktan, ayoko nang maging talunan. Batid nya siguro ang aking pag-iwas, ang pagkakaroon ng pagitan sa aming dating samahan, paano ko nga ba maibabalik ang nakaraan, kung ang damdamin ko ang dapat kong pagtuunan, sa ganitong paraan ko lamang maproprotektahan ang aking sugatang puso na labis nyang sinaktan, matagal bago ito naghilom, kaya ayoko lang muling itong masugatan.

“Tama ba ito? Hindi ko talaga alam………….”

2 comments:

Anonymous said...

cnu un??


heheh^^


c Frogie ba un ate??




bigyan mu namn
ng chnce ung iba..
bawat tao
mag kakaiba
kung nasaktan ka dati
tapus na un...
move on..



malay muh xa n ung
hinahanp muh
baka mawala
lng xa pagpinabayaan muh..


dnt b afraid 2 get hurt^^
(wow english)
its a part of growing up!!



gudluck xa luvlyf te^^
tira-tira^^


aQ nalang ang laging rong^^heheh

Unknown said...

ang nadarama mo ay prosiso ng isang tao, lahat ng tao ay nakararanas ng ganyan, isa na ako don. kailangan kasi na dumaan tayo sa ganyan dahil yan ang nararapat sa iyong edad at yan din nagbibigay lakas para sa hinaharap pag nagkaka edad ka na at ang iyong isipan at damdamin ay ika nga mature na. matatawa kalang kong maisip mo ang nakalipas. pabor ako sa sinabi mo na sumabay nalang sa daloy ng buhay, piro sana huwag mong pabayan ang iyong katawan o kalusogan dahil ito ang ang mag silbing tulay sa kong ano ang gusto mo sa buhay ma material man o spiritual.