Sa loob ng dalawamput tatlong taon, ito ang kauna-unahang regalo ng ate ko sa akin, medyo natagalan atah.. pero sa kabila ng lahat ng ito, ang tunay na halaga nito ay wala sa mga materyal o presyo ng kanyang ibinigay, ang katunayan, kaming dalawa ay matalik na magkaibigan, noong bata pa kami, karamay ko sya sa lahat ng bagay, pero sadyang ang buhay natin ay meron kanya-kanyang patutunguhan at may mga responsibilidad tayong kailangan panindigan.
Maaga syang nakapag-asawa, sa una, labis akong nasaktan, nalungkot, parang iniwan ako ng aking ate, at inagaw pa pati ang pinakamatalik kong kaibigan,.. noon, mag-isa ako natutulog sa dati naming kama, nakikita ko ang larawan na gawa naming dalawa, at tuwing maiisip ko sya, hindi ako makatulog at kasabay non ang pighati ng aking ina...nakikita ko din ang luha ng aking ama, ang pag-aalala sa kanilang mga mata ay nagdudulot sa aking ng sobrang sakit at luha, at sa paglaon ng mga araw na wala sya, unti-unting napapalitan ng galit ang puso ko, hinanap ko sya sa mga kaibigan, katrabaho o sa kung sino mang taong makapagtuturo kung nasan na sya, pero bigo ako.
Sa pagdaan ng araw, bumalik sya sa amin na may kasamang lalaki... ang aking mga magulang ay dismayado, bagamat sa labis na pagmamahal ay buong puso silang tinanggap ng walang pag-aatubili, doon ko naramdaman na ganun ba talaga kadali magpatawad, hinanap ko sa puso ko ang salitang iyon.. "patawad".. pero mas matindi ang sakit noon sa akin.
Sa paglipas ng panahon, lumayo ang loob ko sa kanya, maging ang asawa nya parang hanging hindi ko nakikita, wala akong pake kahit anong sabihin nila, at sya, ang ate ko ay parang nakalimutan ko na..
Hanggang sa buwan, taon ang binilang bago ko napagtanto, na ang Ate ko ay tao lamang at lahat tayo ay nagkakamali, naiisip ko din ang mga bagay na ginawa nya para sakin, pag may sakit ako, pinupunasan nya ko ng pawis, ipinagtatanggol nya rin ako sa mga nang-aapi sakin, kahit hindi ko sya matanungan sa takdang-aralin, alam kong ipinagmamalaki nya ko sa lahat ng tao sa mga simpleng bagay na nakakamit ko at napagtatagumpayan.. Ate ko sya, at kaming dalawa ay magkapatid.
Nang maospital sya at makunan, dinurog ang puso ko na makita syang naghihirap! ang sakit non, at kasabay non ang dalamhati nya sa kanyang unang anak na anghel na ngayon sa taas, umiiyak ako sa gabi noon pag naaalala ko na muntik na syang mamatay nang wala sa oras! kaya pagkatapos non, naramdaman kong wala na ang galit, kundi awa ang aking nadarama.. alam kong nasasaktan, nahihirapan sya.. at andito lang kami, ina ko, ama ko, mga kapatid at Ako.. para sa kanya...
Hanggang isilang nya si Dale! ang una kong pamangkin!.. at doon nagbago ang lahat, wag ko lang makikitang sinasaktan ng asawa nya ang ate ko, dahil yari sya!.. Mahal ko ang Ate kong pasaway at mamahalin ko din kung sino ang mahal nya..