Para sakin…;
“… May mga taong sadyang mapanlinlang, nakangiti sayong harapan, pero di mo nalalaman, tinitira ka na nang talikuran..”
“.. Di mo makikilala ng lubos ang isang kaibigan, hangga’t hindi mo sya nagiging kaaway..”
“Wag mo na subukang baguhin ang isang tao na hindi alam ang salitang “pagbabago”…
“Wag maging mabait sa mga taong walang bait sa sarili..”
“Bago mo respetuhin ang iba, respetuhin mo muna ang sarili at mga magulang mo..”
“Perpekto na ba ako sa tingin mo na to, baket? May sinabi ba ako na gusto ko maging perpekto?”
“Nakakatawang isipin na ang simpleng salita, magdudulot ng isang pagkamuhi dahil lamang sa tinamAan sila…”
“Hindi ito sukatan ng talino’t salita, kundi ng pagkatao at ang pagiging tao.”
“Hindi ko hiniling na igalang mo ko, Malaya ka kung anong gusto mo, dahil ikaw naman ang gagawa ng mga bagay na magpapakilala sayo..”
“Lahat tayo nagkakamali, at marunong ako tumanggap nun, dahil kahit kailan tama man o mali pinaninindigan ko ang aking mga nagawa..”
“Wala akong pakealam sa mga taong walang alam sa buhay ko..”
“Wag ka maapektuhan, kung hindi ikaw ang tinutukoy ko”
“Bago ka magsalita isipin mo muna kung anong sasabihin mo, dahil di mo na mababawi anuman lumabas sa bibig mo..”
“Patunayan mo munang MALI ako… bago ko tanggapin na ikaw ang TAMA..”
“Walang kaibigan ang mananatili para sayo magpakailanman, dapat marunong kang lumaban mag-isa sa mga hamon ng buhay..”
“Iwan ka man ng lahat ng tao…magulang mo parin ang sasalo sayo..”
“ Sa lahat ng ito…sisiguraduhin ko na hindi ako ang TALO…dahil hindi ko alam ang salitang.. “SUKO”…
“Akala mo ikaw lang ang nasasaktan, bakit ikaw lang ba ang nilikha na may PUSO?”
“ Walang saysay ang lahat ng nagdaan kung bukas makalawa, tanging masasama lamang ang natira sa ating mga ala-ala, mabuti pang lahat mabura, para sa ganun, wala ng magiging dahilan pa...”
“Ayoko ko na maging mabait, kung ang lahat ng aking ginagawa ay magdudulot sayo ng hindi mabuti..
“Masaya ka man ngayon, bukas o sa susunod na mga panahon, luluha ka rin, dahil ganun talaga yon..."