Parang napakabilis naman lumipas ng panahon, “haist..” walang warning ang oras, bigla nalang itong magtatapos, sa bawat tik-tak nito, katumbas ang mga sandali ng ating pinagsamahan, mga tawanan, asaran, iyakan, plastikan, kampihan, dayaan, tampuhan, galaan, “hmmm..sa bandang huli… lahat tayo…kailangang mag- PAALAM…”
Sa lahat ng ito, alam kong ang bawat isa sa atin ay naging parte kung ano at sino tayo ngayon, walang nasayang, dahil anu pa man ang kahahantungan nito, sa maikling panahon na nagkakilala tayo… ikaw at ako..sya, tayo…kahit papaano naging MAGKAIBIGAN tayo…
Sadyang ganyan talaga ang buhay, maraming pagsubok, matira matibay! Dahil patuloy na iikot ang mundo… at hindi ito hinhinto kasabay ng iyong paglayo…Madami na rin tayong napagsamahan, nasaksihan, at natutunan, sa halos 2 taon na tayo’y naging magkaramay, sa mga oras na kailangan mo ng makokopyahan, sa mga taong hindi tayo naiintindihan, sa mga sandali ng iyong kabiguan, sa mga lalaki na minsan nating iniiyakan, sa mga banat natin sa ating mga kaaway, at mga di malilimutang karanasan… kayong lahat ay itinuring ko higit pa sa isang kaibigan, kundi bilang kapatid… pero sadyang hindi natin pwedeng diktahan ang kapalaran…
Pasensya na! sa lahat ng aking nasaktan… sa aking pakikialam at sa pagiging mataray...
Pero kahit kailan hindi ko sinabing.. “perpekto ako!” dahil lahat tayo ay tao lamang!!!
Salamat sa respeto at sa pagtawag na “Ate Divine!” medyo masakit sa tenga, (dahil feeling kong ang tanda ko na talaga)… pero, hindi yun ang mahalaga… nagpapasalamat ako, na sa 2 taon na nagkakilala tayo.. alam kong kahit kailan hindi ko kayo iniwan… kung meron mang nagtapos na samahan… nagdulot yun ng sakit sa akin at dahilan para kayo ay pakawalan, hindi ko ginustong kayo ay saktan, pero kailangan….
Madami ako natutunan sa inyong lahat… MV!!! (Favorite place ko na yun) BH... (imagine mo yun), Fieldtrips naten..(ang saya nun..).. pero d’ best talaga ung nadulas ako sa com lab(saket ng p**T ko nun), tapus si Rhea (nalaglag sa trike,) si Blanca, (maldita din pala..jeje) si Weng..(rAkista tlaga..pero iyakin din naman) Si Jhovz..(baby sis q yan, sobra, puro “te vhyne”) si Roxy…(grabe pala matulog nung nasa hauz sila)… marami pah, pero lahat mananatili nalang sa ating alaala…
CONGRATS!!!... im so proud sa inyong lahat!!! Salamat sa lahat… maaaring magkikita pa tayo, pero hindi na magiging tulad ng dati, dahil ang lahat ay magbabago.. kasabay na pag-ikot ng mundo, ang alaalang ito’y mananatili sa aking PUSO!... pero gaya ng lahat ng istorya ng buhay, sa huli, kailangan na nating… MAGPAALAM!!!...
Pero w8 lang, txt2 padin ha, andito lang ako…………
_ate vhyne_