Saturday, March 27, 2010

KOwTz...-anivid (i mean it.. hahaha)

"Gusto kong tumawa, at maging masaya... hanggang makalimutan kong wala ka na.. "


“Hinintay ko sya ng matagal, nang matagpuan ko na, dun ko lang naisip, sa tagal ng aking pinaghintay naglaho na ang pag-asa..at maraming oras ang naaksaya sa walang kwentang pantasya ….”

“ kapag tinalikuran mo na ang isang bagay, wag mu na lingunin ulet, baka ka lang masaktan..”

“hindi ko gusto ang masaktan kita, ikaw lang ang may gusto, kaya ka nasaktan…

“pag pagod ka na.. tumigil ka na, pag kaya mo pa, edi cge lng, hanggang mapagod ka…”

“kapag ako nainis…titirisin ko ang gf mo na parang ipis..ubeer.. sobrang chenez!”

“nakakatawa talaga, biruin mo..ngayon ko lng naiisip na bagay pala kayong dalawa, pag kasama mo sya para kayong tanga..”

“mas masakit ang PINAASA..kaysa UMAASA… magkaiba un di ba?..”

“eh anu naman kung kayo.. kami na rin kaya…wahaha!”


_fallenheart_



Sunday, February 28, 2010

ATE ♥


Sa loob ng dalawamput tatlong taon, ito ang kauna-unahang regalo ng ate ko sa akin, medyo natagalan atah.. pero sa kabila ng lahat ng ito, ang tunay na halaga nito ay wala sa mga materyal o presyo ng kanyang ibinigay, ang katunayan, kaming dalawa ay matalik na magkaibigan, noong bata pa kami, karamay ko sya sa lahat ng bagay, pero sadyang ang buhay natin ay meron kanya-kanyang patutunguhan at may mga responsibilidad tayong kailangan panindigan.

Maaga syang nakapag-asawa, sa una, labis akong nasaktan, nalungkot, parang iniwan ako ng aking ate, at inagaw pa pati ang pinakamatalik kong kaibigan,.. noon, mag-isa ako natutulog sa dati naming kama, nakikita ko ang larawan na gawa naming dalawa, at tuwing maiisip ko sya, hindi ako makatulog at kasabay non ang pighati ng aking ina...nakikita ko din ang luha ng aking ama, ang pag-aalala sa kanilang mga mata ay nagdudulot sa aking ng sobrang sakit at luha, at sa paglaon ng mga araw na wala sya, unti-unting napapalitan ng galit ang puso ko, hinanap ko sya sa mga kaibigan, katrabaho o sa kung sino mang taong makapagtuturo kung nasan na sya, pero bigo ako.

Sa pagdaan ng araw, bumalik sya sa amin na may kasamang lalaki... ang aking mga magulang ay dismayado, bagamat sa labis na pagmamahal ay buong puso silang tinanggap ng walang pag-aatubili, doon ko naramdaman na ganun ba talaga kadali magpatawad, hinanap ko sa puso ko ang salitang iyon.. "patawad".. pero mas matindi ang sakit noon sa akin.

Sa paglipas ng panahon, lumayo ang loob ko sa kanya, maging ang asawa nya parang hanging hindi ko nakikita, wala akong pake kahit anong sabihin nila, at sya, ang ate ko ay parang nakalimutan ko na..

Hanggang sa buwan, taon ang binilang bago ko napagtanto, na ang Ate ko ay tao lamang at lahat tayo ay nagkakamali, naiisip ko din ang mga bagay na ginawa nya para sakin, pag may sakit ako, pinupunasan nya ko ng pawis, ipinagtatanggol nya rin ako sa mga nang-aapi sakin, kahit hindi ko sya matanungan sa takdang-aralin, alam kong ipinagmamalaki nya ko sa lahat ng tao sa mga simpleng bagay na nakakamit ko at napagtatagumpayan.. Ate ko sya, at kaming dalawa ay magkapatid.

Nang maospital sya at makunan, dinurog ang puso ko na makita syang naghihirap! ang sakit non, at kasabay non ang dalamhati nya sa kanyang unang anak na anghel na ngayon sa taas, umiiyak ako sa gabi noon pag naaalala ko na muntik na syang mamatay nang wala sa oras! kaya pagkatapos non, naramdaman kong wala na ang galit, kundi awa ang aking nadarama.. alam kong nasasaktan, nahihirapan sya.. at andito lang kami, ina ko, ama ko, mga kapatid at Ako.. para sa kanya...

Hanggang isilang nya si Dale! ang una kong pamangkin!.. at doon nagbago ang lahat, wag ko lang makikitang sinasaktan ng asawa nya ang ate ko, dahil yari sya!.. Mahal ko ang Ate kong pasaway at mamahalin ko din kung sino ang mahal nya..

Saturday, February 27, 2010

ganito yun...

"maraming nakakalimot na tao.. di un epekto ng amnesia!! sadyang kailangan lang bawasan ang ala-ala para di ma full memory ang utak kaiisip sa mga wlang kwentang nakalipas..."-- :)


-fallenheart

Monday, February 22, 2010

KOWTS.. mula kay.. -Anivid

"hindi ako umiiwas, hindi ko lng talaga gustong kausap ka.."

"hindi naman tlaga ako totoong nagbago, sadyang nagmamatured lang ang lahat ng tao."

"kung hindi mo matanggap ang pagmumukha mo, wag kang gumamit ng mukha ng ibang tao."

"bakit kailangang mag-iwasan, kung wala ka talagang nararamdaman."

"ayoko na maghintay, pagod na ko umasa, ngayon ko lang naisip...wala ka palang kwenta.."

"di ako natatawa, hindi kasi ikaw ang kaligayahan ko.. "

"mas mahirap ka pa sa exam ko, di ko mahanap ang sagot sayo kahit iresearch ko.."

"kahit kailan hindi pwedeng diktahan ng utak ang puso, kahit isipin ng utak mong wag huminga, titibok padin ang puso mo kasi buhay ka.. " try mo!...

"ayokong ipagmalaki ang mga bagay na hindi ko pinaghirapan..di ko kailangan ng karangalang di ko maipapamalandakan.. "

"Simple lang naman ako, pero sadyang komplekado para sa ibang tao ang salitang "simple ".."

"hindi sa tinamaan ka sa mga sinabi nya, konsensya mo lang talaga ang lumalamon sa isip mo dahil alam mong nagkamali ka.."

"ang hirap harapin ng katotohanan, dahil agad nating pinaniniwalaan ang kasinungalingan, na nagdudulot ng sandaling kaligayahan,"

"Sa pag-ibig, ang daming panggap, kahit i lie-detector sila, di mo mahuhuli, daig pa nila ang hunyango sa pagbabalat-kayo."

"pag wala kang inapakang tao, para ka na rin nakalutang sa ulap, ang gaan ng feeling.."

"Kung tinamaan ang ilan sa aking mga likha, di ko na kasalanan un, sadyang sumasalamin lang sayo ang aking binitiwang mga salita..."-Anivid


Sunday, February 21, 2010

Reblog: "Noong Bata Ka Pa".. by Ken Bea

credits goes to the author: Ken Bae
source: http://kenbae07.blog.friendster.com/2008/10/
i just read his post
and just want to share it wid u :)

“NOONG BATA KA PA” - by Ken Bae

Sabi ni nanay.. at sabi din ni tatay..

Nung bata ka pa.. ako nagpapaligo sayo.. ngayong matanda na ako at di n kayang kumilos? mapapaliguan mo b ko.. khit alam kong diring diri ka sa kalagayan ko..

Nung bata ka pa ako nagpapakain sayo.. ngayong matanda n ko at nde n kayang kumilos.. masusubuan mo ba ako? khit.. alam kong wala ka ng oras, anak ko..

Nung bata ka pa ako nagpapalit ng lampin mo.. ngayong matanda na ako. hindi ko n kayang kumilos.. matutulungan mo b akong magbanyo khit alam kong.. pinandidirihan mo n ako?

Nung bata ka pa.. sakin ka nagkukwento khit nde ko naiintindihan.. pero iniintindi ko.. ngayong matanda n ko.. kaya mo bng mkinig sa mga kwento kong gus2ng sbhin sayo?

Nung bata ka pa..sakin k nagsusumbong pag my ng-aaway sayo.. ngayong matanda n ko.. pwde k bng pagsumbungan ng mga sakit na nararamdaman ko?

Nung bata ka pa.. pinapalo kita dahil mali ang ginawa mo at dhil mahal kita.. ngayng matanda n ko.. bkit matindi pa s pagpalo ang sagot n naririnig ko sayo?

Nung bata ka pa.. lahat ng gus2 mo ibibigay ko dhil mahal kita.. ngayong matanda n ako.. hahayaan mo n lng ba akong ipaalaga sa iba khit alam mong ayaw ko?

Nung bata ka pa.. ako naghahatid sayo sa pagpasok mo.. ngayong matanda na ako.. bakit ang paghatid mo lng sa akin s kama ay labag p sa loob mo?

Nung bata ka pa.. Pinapasalubungan kita ng khit anong gusto mo.. ngayong matanda na ako.. Bkit puro mura at sigaw lng ang pasalubong mo?

Nung bata ka pa. Nung bata ka pa.. sana ay nararamdaman mo.. anak ko.. kung gano kasakit ang maging magulang.. na binabaliwala lng ng anak mong mahal mo… T_T

ANG ORAS PARA SA MAGULANG MO..

Bakit nga ba???

Sa tagal ng panahong lumipas, ngayon ko lng naisip,
bakit nga ba ako naghihintay sa isang taong di karapatdapat, marami na kong iniwasan, tinakasan, tinalikuran...sa pag-aakala kong darating ka, matagal na rin akong umaasam na babalik ka pa. Nakakapanghinayang ang panahong pinalampas ko para lang sayo, sa kabila ng lahat ng ito, tuluyan ka na palang nagbago. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Siguro, huli na toh! Dahil pagod na pagod na ko!!!...




=,(

Wednesday, February 17, 2010

"...naman oh..."

"uminom ako ng C2, tapus, natural mango na Zagu, den 1 bottle of H2O!.. pag-uwi ko, sabay takbo sa cr...may sound effect..."prut..prutttt....prutt..."--alam nah!!! :(

Friday, February 12, 2010

on ♥ V ♥Day!.. my heart get broke.... *sighs*


i avoid him for no reason at all.. :,(
i let him go, for this is all i know.... :,(
i get down and cry, feel sorry for all
my heart breaks, "ouch!"..it hurts!
his with me, im with him
but our world parted far beyond this horizon
can't find my way to get next to him
we both build a wall, can't pass its barrier..


I want to be with him, that all i wish... but i can no longer do this, for we both know its not right, i hate to feel this.. his the only man i ever loved, and the only reason why i still fight...Now, he wantme to give up! all the heartache i feel inside, how can i survive this torments he cause me to feel, im suffering in pain! its a hell vain! He once said
"mahahanap mu din ung para sayo, basta nandito lang ako " damn it!!!!... i don't understand what he's trying to say, my heart shout... "mahal kita!!! ... pero ayoko na!..." but his deaf......... and im mute to let him hear it... =,(

V Day...???? id rather call it... Vain Day..

Monday, December 14, 2009

BANGON by Rico Blanco



Lets all reflect to this one, the lyrics tells it all.. the meaning of the song for all Filipinos!...lets not forget this tragic crisis that we all experience, although we are fortunate enough that we're not affected, i still feel the need and pain of all of our countrymen who actually experienced the flood, death and lost of property, WE ARE ALL FILIPINO..and WE CARE FOR OUR FELLOWMEN... BANGON!! BANGON!! KABABAYAN!!!

_fallenheart_



LYRICS:

Pinaluhod tayo,
sa isang hagupit
Niragasa, sinalanta,
pinaluha..

Humupa ang unos - isang bahaghari!
Dala ng bukang liwayway -
Pag-ibig,
Pagkakaisa

BANGON!
Pilipinas kong mahal
Akay ang pananampalataya sa Maykapal
AHON!
Buhay sa 'yong dugo
Ang tibay na tatak ng tunay na Pilipino

At nagising ang bayanihan
Milyon milyon naging isa
Walang kami
Walang kayo
Walang sila
Tanging ligaya
ay pag alay ng sarili sa iba

BANGON!
Pilipinas kong mahal
Akay ng pananampalataya sa Maykapal
AHON!
Taglay ng yong dugo
Ang tibay na tatak ng tunay na Pilipino

bridge:
Hindi ka namin iiwan
Hindi tayo susuko!
Lulusong tayo't magtatagumpay...
Magtatagumpay!

BANGON!
Pilipinas kong mahal
Akay ang pananampalataya sa Maykapal
AHON!
Buhay sa yong dugo
Ang tibay na tatak ng tunay na Pilipino

coda:
Lahat nitong mga pagsubok
Ay ating kayang lagpasan
Lahat nitong mga pagsubok
Ay ating kayang lagpasan

Saturday, June 20, 2009

my DAD... :0


HE'S the BEST MAN i ever had..
I definitely admired him alot! He always give everything i want, never fails to encourage me to do the things i can, he's always present in my life, he even spoiled me alot..!

I love HIM.. more than anyone else, he trusted me so much, with all the words he shared to be the best that i am, and every jokes he throw just to make me feel alright....
HIS my mentor, my idol, my fan, my bestfriend, MY DAD!

Each time me and my mom got quarrel he look up to me with full of understanding, when a tear feel on my cheeks i saw him worries alot for me...
HE believes, trust, and love me unconditionally..
I hate all HIS critics! those people who's trying hard to let my DAD down, they envy him alot for raising us, and providing everything that we had,... (go ahead, i felt pity on them) my Dad, never hurt anyone, nor step on to someone... he always do everything he can to give us a comfortable life, its all from his HARDWORK AND DEDICATION... some people don't understand! (God Bless you all)....
"NO ONE CAN PUT A GOOD MAN DOWN..." that's all i can say to thee...

Pa, thank you for everything, for the love, trust, understanding and for raising us to be a good person..., i will always love you forever, and we will always be your babies, no matter if we turn out to be a lady soon and have our own family... me and my sisters will be forever your angels, and my brothers as well...... WE LOVE YOU...

"HAPPY FATHER'S DAY PAPA!"

Wednesday, May 27, 2009

Let me cry for the last time…

You said lies, and I believed you…
You throw jokes, and I laughed at you…
You promised me forever… I trusted you…
But now all I know is to cry over you…


You offer me your shoulder each time I’m down, you reach for my hand each time I back out, you make me smile even though everything was messed up… the way you encouraged me to do the things I thought I cannot do, your warm hugs that kept me feel alright, with every touch and words you speak out… you’re the best among the rest… but still you never knew how much I love you…

You left with words unspoken…
With the empty face seeking for an answer…
to all the question you’ve longing to asked…
Brought a burden deep in our hearts…


Time runs out, to keep waiting under the rain, my heart freeze… all my hopes vanished, I’m tired…I’m hurt, its so PAINFUL..!. . I can no longer hold on… I FEEL COLD… my body can no longer moved, my face so weary, my eyes full of tears… I don’t care what people say… they have no idea how much I suffer…

I want to cry so hard….
Let my tears wash all the hurt I feel inside,
I want to shout your name so loud…
So you can hear what’s in my heart…


Please let me cry with you under the rain…. For the last time..

Tuesday, May 19, 2009

... "kowts ko para sa kanya..:)"


" Bago ka MANGAKO, alamin mo muna kung may kakayahan kang MANINDIGAN..."


"Wag kang MAGPAASA sa mga taong labis kang minamahal, dahil katumbas nun ang walang kapantay na sakit at baka tuluyan ka nilang KALIMUTAN..."

"Lahat tayo MASASAKTAN, dahil ang pagmamahal ay SADYANG GANYAN.."

"Wag kang magpaka-EMO kung sadyang malungkot ang lahat, pwede ka namang magdrama nang hindi kailangan ng: itim na damit, eye liner, at long-sided hair para lang mapansin ng lahat na EMOTIONAL ka..."

"Para sakin ang mahalin sya ay isang KATANGAHAN, na kahit kailan ay hindi ko matutunang pag-aralan kung panu ba i-tama ang lahat... di pa kasi tinuro yun sa school eh.. ayan tuloy, DI KO ALAM!"

"Minsan mas ok pa ang ganito.. solo flight, happy go lucky, gimik, walang iniintindi... in short: buhay SINGLE.. pero malungkot din pala.. kasi walang kang ka-valentines always...:( "

Sabi ng tropa ko.. "ok lng yan vhyne.." hmmp! hellooo.... "kelan pa naging ok ang taong sobrang NASAKTAN.... lintek!.. "ok lang ba kayo ha.?"

"Akala ko, ang kwento nating dalawa ang pinaka da best na latha na aking magagawa, pero ito pala ang pinaka-masagwa, dahil sayo... isa ka kasing BASURA..."

"Nakakalungkot mang isipin na dito nagtapos ang lahat, mas masaya namang alalahanin, na sa wakas... "Yehey!.. malaya na ako di ba...?!"

"masaya ka na ba? sana totoong maging MASAYA ka na....."

"lahat ng sugat ay maghihilom.... sa tamang panahon, pero panu naman ang may diabetes???...(mahirap gamutin ang sugat nila di ba..?) "feeling ko, parang diabetic na din ata ako ah...:)"

"wag kang magSORRY kung yun talaga ang desisyon mo... ayos lang ang masaktan sya, basta panindigan mong YUN ang NARARAPAT..."

"sapat na ba sayo ang makita akong umiiyak, o kailangan ko pang lumuha ng ga-dagat, para lang malaman mong labis akong NASAKTAN..."

"NAIINTINDIHAN mo ba AKO... siguro HINDI... kasi gusto mo.. IKAW lagi ang INIINTINDI di ba..."

"sana di na tayo magkita... para di na kita MAALALA.."

"Minahal kita... noon... noon... NOON...."

"TAMA nah.. end na.... TapOs na...
total, TAPOS NA RIN TAYO di ba..."
.."haist.. w8 ka lang, makakamove-on din ako.."
~fallenheart~

Sunday, May 3, 2009

Listen to this....



Reflect on this one...




song: IF I FALL
artist: Amber Pacific
go to this link: http://www.youtube.com/watch?v=OVovWTPodxM
made by: RevitalizedVessel

"i was really amazed and touch by this song, the lyrics and melody as well as a good voice of the singer was really amazing! and the message, reflects on me, finding its way to my soul and self-actualization... i will definitely include this to the list of my favorite song....."-fallenheart

Saturday, April 4, 2009

A Tribute: Office Administration 07'-09'

visit my youtube account for more videos..

http://www.youtube.com/user/vhyne003

Songs: Farewell and Kaleidoscope World

Artists: Martin Nievera and Francis M.

i hope you'll like it guys......

Thursday, March 26, 2009

Paalam. . .


Parang napakabilis naman lumipas ng panahon, “haist..” walang warning ang oras, bigla nalang itong magtatapos, sa bawat tik-tak nito, katumbas ang mga sandali ng ating pinagsamahan, mga tawanan, asaran, iyakan, plastikan, kampihan, dayaan, tampuhan, galaan, “hmmm..sa bandang huli… lahat tayo…kailangang mag- PAALAM…”

Sa lahat ng ito, alam kong ang bawat isa sa atin ay naging parte kung ano at sino tayo ngayon, walang nasayang, dahil anu pa man ang kahahantungan nito, sa maikling panahon na nagkakilala tayo… ikaw at ako..sya, tayo…kahit papaano naging MAGKAIBIGAN tayo…

Sadyang ganyan talaga ang buhay, maraming pagsubok, matira matibay! Dahil patuloy na iikot ang mundo… at hindi ito hinhinto kasabay ng iyong paglayo…Madami na rin tayong napagsamahan, nasaksihan, at natutunan, sa halos 2 taon na tayo’y naging magkaramay, sa mga oras na kailangan mo ng makokopyahan, sa mga taong hindi tayo naiintindihan, sa mga sandali ng iyong kabiguan, sa mga lalaki na minsan nating iniiyakan, sa mga banat natin sa ating mga kaaway, at mga di malilimutang karanasan… kayong lahat ay itinuring ko higit pa sa isang kaibigan, kundi bilang kapatid… pero sadyang hindi natin pwedeng diktahan ang kapalaran…

Pasensya na! sa lahat ng aking nasaktan… sa aking pakikialam at sa pagiging mataray...
Pero kahit kailan hindi ko sinabing.. “perpekto ako!” dahil lahat tayo ay tao lamang!!!

Salamat sa respeto at sa pagtawag na “Ate Divine!” medyo masakit sa tenga, (dahil feeling kong ang tanda ko na talaga)… pero, hindi yun ang mahalaga… nagpapasalamat ako, na sa 2 taon na nagkakilala tayo.. alam kong kahit kailan hindi ko kayo iniwan… kung meron mang nagtapos na samahan… nagdulot yun ng sakit sa akin at dahilan para kayo ay pakawalan, hindi ko ginustong kayo ay saktan, pero kailangan….

Madami ako natutunan sa inyong lahat… MV!!! (Favorite place ko na yun) BH... (imagine mo yun), Fieldtrips naten..(ang saya nun..).. pero d’ best talaga ung nadulas ako sa com lab(saket ng p**T ko nun), tapus si Rhea (nalaglag sa trike,) si Blanca, (maldita din pala..jeje) si Weng..(rAkista tlaga..pero iyakin din naman) Si Jhovz..(baby sis q yan, sobra, puro “te vhyne”) si Roxy…(grabe pala matulog nung nasa hauz sila)… marami pah, pero lahat mananatili nalang sa ating alaala…


CONGRATS!!!... im so proud sa inyong lahat!!! Salamat sa lahat… maaaring magkikita pa tayo, pero hindi na magiging tulad ng dati, dahil ang lahat ay magbabago.. kasabay na pag-ikot ng mundo, ang alaalang ito’y mananatili sa aking PUSO!... pero gaya ng lahat ng istorya ng buhay, sa huli, kailangan na nating… MAGPAALAM!!!...
Pero w8 lang, txt2 padin ha, andito lang ako…………




_ate vhyne_