Tuesday, January 27, 2009

...para sayo toh..."-J"


Parang nakabilis kung iisipin ang pagdating mo sa buhay ko,
sa isang iglap nag-iba ang takbo ng dati kong mundo,
biglang binago mo ang direksyon nito,
at inilihis mo ako sa muling pagkalito,..

Kapwa tayo naghahanap ng pag-ibig na totoo
Kaya siguro tayo ang pinagtagpo
Ikaw para saken at ako’y para sayo
Itinadhana tayo..kaya wag silang magulo!..

Ang saya na nadarama natin ay di sana maglaho
Sa kabila ng katotohanang tayo’y magkalayo
Alam mong nandyan lng ako sa puso mo nagtatago
At ikaw ay nasa akin din, yan ang aking pangako

Mamahalin kita, kahit saan mang dako
magkalayo man ang ating mundo..
Dumating man ang araw na tayo’y magtagpo
Ang ala-ala mo’y mananatili sa’king puso

Sana pareho tayo ng nilalaman nito
Gusto kong malaman mo na hindi ito biro
Dahil “no return, no exchage ang puso ko”..
“kapag nasira mo..babayaran mo…”^_^

Kaya lagot ka saken..”hmmp..wag ka loko!”
Dahil mahal kita, at sana mahal mo din ako
Malay mo, balang-araw maging tayo
Swerte mo, kasi hindi kita pagpapalit kahit kanino..!!!



Love kaya kita noh..^_^

Monday, January 26, 2009

for my prince..





i hope you like it...

SONG: SANA'Y AKO NALANG
MUSIC BY: SIX PART INVENTION

Sunday, January 25, 2009

Our Dreamland...


In a dreamland were everything happens,
where the two of us are the main character
we build a fantasy that in love, all is fair..
you and me in the land of friendship and love affair..

With the sweetiest smile we offer
a souviner to kept forever,
treasured in my heart
those times we spent together...

but as i woke up from this dream
i realized you weren't there
my cell beeps and its you
in another land where we share...

i love the feeling of being with you
though we both know, its not true..
You are there, I am here
behind my pc where i just stare...

your laughter in my ears
are like music i long to hear
how i wish there is Godmother
that will grant me to be with you forever..

my froggie...
kissed me goodnight
as we started to dwell the light...
behind those start at night...

i kissed my frog prince
to come to life.....
-
-
my froggie
in a dreamland
-
hehehe....
can we stay
happily ever after?
-
-
dedicated: to my froggie...
its the princess in the dreamland..
hope you like it...^_^

Saturday, January 3, 2009

Liham...



Sana mabasa mo ang mga bagay na gusto kong malaman mo, pero hindi ka naman marunong magsteno kaya pasensya na,.. mananatiling lihim ang lahat sayo. Magkaganon pa man, ito'y isang pamamaalam, at pagpapasalamat sa lahat, kung ano man ang nilalaman nito ay hindi na mahalaga, dahil ikaw at ako ay wala lang... "anu nga ba..? ahmmm...basta! wala ka na dun..!!"... Sikretoooo!!!!!!




I was never one to patiently pick up broken fragments and glue them together again and tell myself that the mended whole was as good as new.What is broken is broken- and I'd rather remember it as it was at its best than mend it and see the broken places as long as I lived.

---fallenheart---



" Alam mo ba kung gaaNo kalayo ang Pagitan ng dalawang Tao pag
nagtalikuran Sila??- Kailangan mo libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang TAONG TINALIKURAN MO "-bob ong...

Friday, January 2, 2009

ang pagtalikod sa nakaraan...


Muling sumikat ang araw sa pagsisimula ng taon, pagmulat ko ng aking mata bakas ko ang lahat ng kahapon ay unti-unting naglalaho.,sa sinag ng liwanag mula sa aking bintana, tanaw ko ang panibagong pagkakataon, ang panimula ng buhay, kasabay ng bagong taon!
Maaga pa, pero batid ko na maraming nakahandang karanasan ang sa aki'y nakalaan, mga pangyayaring magpapatibay at magpapatatag sa aking puso't isipan, higit pa sa nagdaan.."handa ako! at naghihintay"..

Ang lahat ng lungkot at sakit na aking nararamdaman, mula sa aking mapait na karanasan ay akin nang tatalikuran, ihahakbang ko ang aking mga paa sa daan na nakalatag sa aking harapan. Muli akong tatakbo sa lawak ng kapatagan, parang gusto kong lumipad hanggang marating ko ang kawalan, o kaya'y lumangoy sa lalim ng karagatan..sasakay ako sa buwan at makikipaglaro sa mga bituing nagkalat sa kalawakan... "hahaha! mga bagay na sa tingin ko'y kaysarap maranasan!"..
Magaan ang lahat, at masaya akong gumising sa pagsalubong sa haring araw...kasabay ng pagbubukas ng panibagong yugto ng aking buhay, ang pagtalikod sa nakaraan ay isang pagpapakahulugan lamang, na ako'y natuto na sa aking mga naranasan, ang lahat ay hindi na natin maibabalik, ang mga taong lumisan ay nararapat ng palayain, kasabay ng pangakong ang taong ito'y di na magiging katulad ng dati, pinatatag na ako ng nakaraang labis kong pinasasalamatan, dahil sa alaalang mananatili ngunit kahit kailan ay di ko pinagsisisihan...
Salamat sa lahat at sa mga taong naging bahagi ng aking buhay...
ang lahat ng ito'y hindi ko makakalimutan, ang pagtalikod ay isa lamang hakbang, upang magpatuloy at magbagong buhay!!...
Maligayang Bagong Taon!!

Para sa ating lahat!!!!

_fallenheart_